“Gusto kong sabihin na mag-ready kayo samin” – From basketball to battlefield, here’s how HAU BoyApoy got into gaming
CODM
July 15, 2022
Maura Yap
Nathan “BoyApoy” Simbulan isn’t your ordinary nursing student. Instead, this nursing student is playing in the frontlines for Holy Angel University’s COD:M team. No medics needed, BoyApoy is ready to do whatever it takes to secure the victory for Valiant Esports Club whether that be utilizing off-meta guns or waiting patiently for his opponents to make a mistake.

What’s the story behind your IGN?

So nag-start yung BoyApoy nung bata po kami. Nag-swimming kami sa beach, sa Zambales ayun. Uso noon yung mga pictures-pictures na ine-edit ganun and then pinicturan ako ng mga pinsan ko katabi ng bonfire na parang kunwari hawak ko yung bonfire then they edited it ganun. Inasar nila ako na boy apoy kasi nga hawak ko yung fire dun sa picture na yun ta’s ayun inaasar nila ako. Nung nag-COD na ko, pipili na ng IGN, naisipan ko na ilagay yun. Trip trip lang ganun pero naisip ko rin at least catchy. Kapag nakakalaro ako ng mga friends ko naaalala nila lagi yung IGN ko. Di nakakalimutan ng mga tao kasi unique din siya tsaka catchy at the same time.

What made you join Valiant Esports Club?

Nung mage-enroll ako di ko alam na may ganun pala then a friend of mine told me na yun nga merong organization yung HAU for esports ganun, for COD, tapos sakto din daw kasi naglalaro ako ng COD and sabi niya sakin sumali daw ako ganun. At first ayaw ko pa kasi iniisip ko yung studies ko lalo na yung course ko is Nursing. Iniisip ko na baka magka-conflict sa schedule ko, masyadong maraming workload sa Nursing. Tapos last minute before the tournament, naghahanap sila ng sixth man nila at doon ako nag-decide na sumali sa org. As in sixth man lang talaga para hindi busy, hindi laging nagpa-practice, nagsi-skrim ayun until naging main five ako kasi naging busy yung isa naming teammate sa other team niya.

How did joining the org impact your college life?

It made me want to stay in HAU. Dati kasi nagbabalak pa kong lumipat ng mga med schools talaga like UST pero because of my organization lalong nagustuhan kong mag-stay sa school namin. Ta’s ayun nagkaro’n ako ng mga friends pa kasi ang hirap nga makipag-friends lalo na sa pandemic, sa online classes, ang hirap mag-approach sa mga classmates through social media lang. So dun sa team namin, nagkaroon ako ng mga super duper close na friends kaya naging masaya yung campus life ko kahit online class lang kami.

What made you start playing COD:M?

Nag-start ako maglaro ng COD:M nung pandemic kasi nga bawal lumabas ng bahay but before that lagi talaga akong lumalabas ng bahay, nagba-basketball ganun. Tapos when the pandemic happened, wala akong magawa sa bahay. Then my little sister, I saw her playing COD and I joined her kaya ayan lagi na naming nilalaro ang COD. Pag bonding time namin, nagsi-COD lang kami nun kasi pareho kaming di makalabas ng bahay.

Were you close with your little sister before or naging close kayo because of COD?

Siguro mas naging close kami because of COD. Close na kami pero mas na-strengthen because of COD.

You mentioned you played a lot of basketball before the pandemic, so were you really sporty ba noon?

Sporty talaga ako before the pandemic. Nung grade school ako nasa basketball varsity na ako then nung high school kasi wala nang basketball varsity, nag-varsity ako ng track-and-field.

How do you relate being a varsity player to now as a collegiate gamer?

I can relate with the practices na ginagawa namin, kung paano ko pinapakita noon sa practice namin nung varsity pa ko like I’m working hard for my team, ganun din yung ginagawa ko sa team ko ngayon sa college.

Considering you were sporty noon tapos ngayon you play a lot of video games, how do you keep yourself from getting burnt out sa COD:M?

Para hindi ma-burn out, kasi nagsi-stream ako, so ang ginagawa ko para di ma-burnout is nag-ga-games ako sa stream, pero may mga araw din na nanonood nalang ako ng movies or makipag-bonding sa mga kaibigan ko, aalis kami ganun. Nagba-basketball kami minsan para hindi laging COD lang.

What games do you play on stream?

NBA, GTA, and I also have Mobile Legends and also Valorant since FPS din yun. Pero yun lang. I stream a lot of COD tagala.

Before COD:M, did you ever play other games?

I tried playing games like DOTA ganun pero hindi ko talagang nahiligan siya ganun. Siguro pag-aayain lang ako, tara DOTA ganun, pagkatapos namin maglaro ng basketball. Pupunta kami ng computer shop ta’s sasabihin nila tara DOTA, sige tara pero di talaga ako naging interested sa games noon so para sakin yung COD talaga yung pinaka-unang game na nilaro ko talaga.

Ano yung pinakanatandaan mo from last weekend’s games?

One of the plays I can remember is nung defending side kami and I used a non-meta gun, the M4-LMG kasi tinatry ko yun kapag nasa scrim ako then nung tournament sabi ko try ko nga din baka mag-work lalo na big map yun also that was an LMG kaya baka makatulong sa team ko. Ayun, natatandaan ko nung nasa A-site ako and then nasa gilid ako waiting for the enemies to attack ganun, I waited patiently kasi naaalala ko rin na ganun sa Valorant. I was thinking of trigger discipline so ayun yung pinakagusto kong play na ginawa ko like na-hold ko yung sarili ko na maging patient, na mag-wait sa mga kalaban na pumasok talaga na mag-peak muna hangga’t hindi sila pumapasok ng site.

How do you feel about your team being so close to that CONQuest stage?

I’m super happy kasi syempre ito yung lagi naming pinagpapractican, ito yung lagi naming pinag-uusapan na konti nalang. Konti nalang mapupunta na tayo sa finals lalo nga gusto naming mag-finals kasi LAN yung championship kaya gusto talaga naming makaabot dun.

What’s your pizza preference?

Pepperoni kasi simula nung bata pa ko I always see it on TV, sa mga movies and then nung na-try ko yung pepperoni pizza, it tastes really good naman pala. Ayaw ko rin naman kasi ng 4-cheese medyo nauumay ako sa 4-cheese pero sa pepperoni kasi may konting spice siya.

Anything you want to say?

I’m inviting everyone to like my gaming page BoyApoy Gaming (https://www.facebook.com/BoyApoyGaming). I stream different games but I always stream Call of Duty: Mobile. Follow me on TikTok @boyapoy and on Facebook Nathan Simbulan (https://www.facebook.com/nathan.simbulan.3). Shoutout sa mga friends ko lalo na sa team ko sana sipagin na tayong mag-practice gabi-gabi.

Anything to your competitors?

Gusto kong sabihin na mag-ready kayo samin. We will be different in the upcoming matches.

PUP, mag-ready kayo. Sana naman maka 2 games man lang kayo samin.