“Humble lang dapat” – Here’s how a decade of friendships set SAGE Yong apart
MLBB
June 14, 2022
Maura Yap
Alejandro “Yong” Huyong III may be third in line but he’s definitely 1st place material in our books. This 17-year-old STEM major tops this week’s scoreboards as the ever-present roamer for University of San Agustin’s SAGE Veritas. But don’t be fooled by his age. This carry has years of experience under his belt and even more playing with his teammates. When it comes to the power of friendship, Yong can stand head-to-head against any shounen manga character.

Did you know about SAGE Esports before you started senior high?

Yes po. May tourna yung SAGE for USA students only and sumali kami ng team ko right now sa Veritas and nag-second place kami.

All five of you? Tapos in-adopt nalang kayo ng SAGE?

Almost three years na kaming teammates! Yung umabot sa second place hanggang champion, kinuha na ng SAGE. Sa una hindi namin alam na kukunin pala yung winners pero ayun din nagustuhan kami ng manager namin ngayon kaya nakasali kami sa SAGE.

Was there any other reason you joined SAGE?

For fun lang sa una and nung nalaman namin yung naglalaro sa AcadArena, ginanahan kaming mag-grind. Ayun nakapasok din.

How has your senior high experience changed after joining your campus esports org?

Mas maraming nakilala especially sa college kasi may players na college na ngayon and ayun, getting to know each other. Time management din. Kapag may laro, maglalaro. Kapag may performance task, gagawin muna bago maglaro. Mas naging responsible ako.

Do you remember your first game?

Minecraft. Grade 4 pa ata ako nun.

Oh, Minecraft! Which YouTubers did you watch?

Sina Prestonplayz. Sila pa yung sikat noon pero di na ko naglalaro ng Minecraft. After nun, mga PVP games kasama mga friends ko nung grade school. Tapos nag-release yung Mobile Legends, mga grade 6 or 7, naglaro kami tapos hanggang ngayon na yun.

What made you start playing ML?

For fun after gumawa ng assignments, ganun. Pang-chill lang. Nung dumating around grade 10, grade 9, may mga tourna ta’s sumasali kami tsaka nanonood nalang din ako. Tsaka I remember nag-uunahan pa kami ng friends ko magpataas ng rank. Ayun naging mas competitive kami tapos eto, nasa AcadArena na kami naglalaro.

Did you ever imagine you’d be playing collegiate?

Bawal nga ako noon maglaro! Nung grade 6 ako pinapagbawalan ako. Tinatago ko nalang yung tablet ko sa bag para dalhin sa school tsaka doon na ko naglalaro. Nagbunga din yung mga kakulitan ko noon, namin. Kasama ko din yung mga teammates ko sa journey na yun eh. Tatlong teammates ko ngayon classmates and schoolmate ko noong grade 1 pa hanggang grade 11, ayun sama-sama pa rin kami.

How do you think knowing each other for such a long time translates in how you play as a team?

Good chemistry and walang hard feelings, ganun lang. Pag may criticism, okay lang din sa kanila. Friends na kasi kami.

How do you keep away from burnout? I mean, antagal na din kayong naglalaro ng ML.

Playing other games and bonding with family, friends, teammates.

And teammates? What do you guys do?

May tournament dito sa Iloilo held by ILO Esports. Every Sunday yun, last two months ata nag-start and ayun nanonood kami, minsan naglalaro din dun. Tsaka kumakain din kami sa labas, ayun bonding na namin yun.

You mentioned kanina na you played other games, ‘no? What other games are you currently playing?

Clash of Clans and Wild Rift.

What do you think about Wild Rift?

Mas maganda dun to be honest. Kasi balanced yung game, sobrang balanced. Yung game sense mo nag-iimprove din dun.

So you play Wild Rift to get better at ML?

Opo!

Outside gaming naman, what other hobbies do you have?

Kapag inaaya akong mag-bike, sumasama ako pag di ako puyat ayun for fun para na rin makalabas ako ng bahay.

Teammates mo parin kasama mong mag-bike?

Depende kung nagigising din sila pero yung iba hindi rin talaga nag-bibike.

How does biking help you with playing games?

Pampawala ko siya ng stress ganun. Nagbi-bike ako tsaka nagbabasketball.

How do you feel about your team being so close to finals?

Proud na proud ako sa aming lahat kasi akala nga namin malalaglag kami agad sa play-ins kasi malalakas din yung mga teams. Nagbago kasi yung meta pero buti nalang naka-adapt kami kaagad and ayun, malalakas din naman yung mga team. Kasi nung una against Ateneo sa Upper Bracket yun, hindi kami nakapag-prepare kasi medyo busy kaya ayun na-2-1 kami nila pero buti naman nakakabawi na kami.

How do you feel about winning your matches against FAITH Bravehearts?

Masaya kasi two-time champ daw sila. Nalason sa drop kasi AdMU din yung naglaglag sa kanila sa Lower Bracket. Nakipag-scrim kami sa AdMU tsaka humingi na rin ng tips kaya ayun. Panalo po.

What’s your pizza preference?

Hawaiian.

What do you think about people who don’t like Hawaiian?

Ano naman yun eh, balanced naman yung pineapple sa pizza. Ewan ko ba kung bakit ayaw nila.

Anything you want to say?

Pa-follow po ng SAGE Esports sa Facebook (). Road to 5k likes kami. Shoutout na rin sa mga teammates ko, managers, and sa mga family namin na sumusuporta samin dito sa AcadArena.

How about sa mga makakalaban niyo pa?

Alam kong malalakas sila eh kaya good luck nalang. Do your best.

‘Yun lang?

Humble lang dapat.